Protesta sa EVIA
- Tracie Bejar
- Dec 14, 2015
- 1 min read
Marami akong mga proyekto na dapat kong tapusin, kaya nakisabay ako sa bus upang makauwi ako nang maaga noong Disyembre 10. Noong papunta ang bus sa EVIA, biglang may nakasalubong na trapiko. Akala ko na may nagkaroon ng aksidente dahil isang oras na manatili kami sa daan. Isang oras lumipas, palapit na akong umuwi sa aking bahay. Maraming mga tao naghaharang sa kalye. Nagproprotesta sila tungkol sa kanilang katapatan bilang isang tao. Nakakalungkot isipin na maraming mga tao na hinaharass o pinahihirapan ang kanilang estado sa kanilang tinitirhang lupa. May karapatan rin sila bilang mamayan ng ating bansa. Kung sila'y nagbibigay lamang ng pera upang lumayas sa lupain, baka walang matitirahin sila. Nakakaawa kung biglang mawala ang lahat ng kanilang mga gamit na pinahirapan na galing sa
sarili nilang dugo at pawis. Sana'y may magagawa ang ating pamahalaan sa problemang ito upang umunlad ang ating bansa at magkaroon ng katarungan ang bawat kapwang Pilipino.
Comments